Hinimok ng Hollywood actor na si Leonardo DiCaprio si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na protektahan ang Masungi Georeserve sa Rizal.
Ayon kay DiCaprio, ang tagumpay ng Masungi ay "in jeopardy" kasabay ng tangkang pagkansela ng DENR sa kasunduan na protektahan ang lugar mula sa talamak na land-grabbing activities.
"This cancellation would set back the success of an internationally acclaimed conservation effort and leave the area vulnerable again to mining, logging, and illegal developments," saad sa pahayag ni DiCaprio.
Paurong umano ang hakbang na ito laban sa banta ng pagmimina, illegal logging at illegal developments sa lugar.
"Join local rangers in calling on President @bongbongmarcos to intervene and continue to protect Masungi. Conservation successes like Masungi serve as a reminder that the Philippines can become a leader in sustainability, eco-tourism, biodiversity protection, and climate action. Protect Masungi Georeserve," dagdag pa ni DiCaprio.
Wala pang tugon ang Malakanyang kaugnay nito.
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment