Isang dating pulis na umanoy middleman sa nawawalang Pampanga beauty pageant candidate at sa kanyang Israeli boyfriend sa Tarlac City noong June 21 ng hapon.
Ayon kay Capas police chief Lt. Col. Librado Maranang Jr., ang dating pulis na pansamantalang 'di binanggit ang pangalan ay dating nakatalaga sa Angeles City Police Office.
Aniya, hindi pa sila nakakalap ng karagdagang impormasyon sa background ng middleman, at kung bakit ito tinanggal sa serbisyo.
Ayon sa pulisya, huling nakita sina Lopez at Cohen dakong alas-2 ng hapon. noong Hunyo 21, at kasunod nito ay natagpuan ang sunog nilang sasakyan na Nissan Terra sport utility vehicle sa kahabaan ng Capas-San Jose Road sa Cristo Rey village alas-2:36 ng umaga noong Hunyo 22.
Kaugnay nito, isang abandonadong SUV na pinaniniwalaang sasakyan ng mga person of interest sa pagkawala nina Lopez at Cohen ang nadiskubre sa Sitio Barbon, Brgy. Tibag, Tarlac City, Tarlac.
Bandang alas 8:00 noong Linggo ng gabi nang matagpuan ng mga operatiba ng CIDG ang abandonadong sasakyan na naka-parking sa gilid ng isang bahay.
Ang SUV na isang kulay puting Nissan Terra na ma plakang numero NGN 9240 ay pinaniniwalaang ang sasakyan na ginamit sa pagkawala ng magkasintahan.
Ito ang sinasabing ikatlong sasakyan na nakitang naka-convoy ng sasakyan ng nawawalang magkasintahan at ng middleman, nang magtungo sa binibiling lupa ng dalawa sa Brgy Armenia, Tarlac City noong June 21 ng hapon.
Nakatakda ring i-turnover ang recovered abandoned vehicle sa Highway Patrol Group (HPG) na naka-rehistro sa isang lalaking residente ng Bacoor Cavite.
Nag-alok na ang Angeles City LGU ng P100,000 pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa nawawalang magkasintahan.
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment