Pinutol ng isang misis ang ari ng mister dahil sa matinding pagseselos nito sa hinihinalang kabit ng asawa sa Baguio City noong Sabado ng gabi.
Ayon sa ulat, nagtalik umano ang salarin at ang mister nito pagkatapos nilang mag-inuman. Sa gitna ng kanilang pagtatalik sa kama nabanggit ng mister nito ang pangalan ng kabit.
"Buti pa 'yong isa ganito, na-mi-miss ko na 'yong isa, sabi niya," kuwento ng ginang.
Dagdag pa niya: "Hanggang sa pagtulog namin, maglalaro kami, tapos 'yung babae ang binabanggit niya."
Kaya nagpasya na raw siyang putulin ang ari ng mister niya.
Matapos makipagtalik at dahil sa kalasingan agad namang nakatulog ang biktima sa loob ng kanilang silid habang nagtungo naman sa kusina ang salarin at kumuha ng kutsilyo.
At pumasok ng silid ang salarin at nang makitang nasa kahimbingan na sa pagkakatulog ang mister, dahan-dahan nitong ibinaba ang underwear ng asawa at agad na pinutol ang ari nito.
Nagising at nagsisigaw ang biktima sa naramdamang matinding sakit kaya agad itong isinugod sa ospital ng mga kapitbahay, habang inaresto naman ang misis nito.
Nagtangka pa siyang tumakas sa bahay nila pero bumalik din naman at sumama sa mga pulis.
Bukod kasi sa pangangaliwa, lagi rin daw siyang binubugbog ng asawa. Sa katunayan, minsan na niya itong sinampahan ng kaso pero binawi rin naman agad.
Inamin naman ng salarin ang nagawang kasalanan at ipinaliwanag na ipinaglalaban lang ang karapatan niya bilang babae.
Sa kasalukyan, nasa kustodiya na ng Baguio City Police Station 9 ang salarin at mahaharap sa kasong mutilation.
Samantala, nagpapagaling naman ang biktima nang maikabit na ang naputol na air.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment