Dahil ang malusog na workforce ang susi sa masayang buhay at mahusay na serbisyo sa lahat ng Manileño, ay hinihikayat ni Mayor Honey Lacuna ang lahat ng regular na empleyado ng pamahalaang lungsod na samantalahin ang libreng annual medical checkup na ipinagkakaloob ng Manila Health Department (MHD).
Ang apela ng alkalde ay kasabay ng selebrasyon ng National Nutrition Month. Sinabi ni Lacuna na may mga kawani na binabalewala ang kalusugan at nagpapa-checup lamang kapag may nararamdaman na.
Ayon pa kay Lacuna na isa ring doktor, ang kailangan lang gawin ng empleyado ay magpunta sa city government employees' clinic (CGEC) at sumailalim sa medical exam at dalhin lamang ang lamang ang identification card.
Bilang pagsunod sa taunang medical checkup, sinabi ni Lacuna na ang Office of the Mayor pati na ang mga tanggapan nina City Administrator Bernie Ang at Secretary to the Mayor Marlon Lacson ay pangungunahan ang mga empleyado para sumailalim sa checkups.
Ayon naman kay MHD head Dr. Arnold Pangan, mayroon specific orders sa MHD ang alkalde at ito ay tiyakin na lahat ng mga empleyado ng lungsod ay sumailalim.sa checkups.
"Kabilin-bilinan ni mayora na dapat bawat kawani ay pangalagaan, kaya hinihikayat ko ang lahat na magtungo sa CGEC," saad nito.
Sinabi ni Lacuna na walang dapat na ikatakot ang mga empleyado at binigyang diin niya na ang mahalaga ay ang matukoy ng maaga kung maysakit ang isang kawani ng sa ganun ay makatipid siya ng pera, pagod at oras.
Samantala ay pinuri ng lady mayor ang lahat barangay nutrition scholars ng lungsod sa selebrasyon ng celebration National Nutrition Month.
"Maraming salamat po sa halos linggo-linggo na nakikita kayong paikot-ikot sa lahat ng barangay at isinusulong lahat ng programa sa inyong nasasakupan," pahayag nito.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment