Isiniwalat ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Dominic Clavano na tukoy na nila ang kinaroroonan ng pugante at dating Bureau of Corrections chief na si Gerald Bantag.
Ayon kay Clavano, bukas umano ang ahensya para sa negosasyon at boluntaryong pagsuko kung pipiliin ito ni Bantag.
"More than one year already he's been hiding as a fugitive, but the efforts are still ongoing. We are aware of his whereabouts, it's just alam naman natin na hindi talaga 'yan papayag na magpahuli ng buhay kaya mahirap din na ilagay natin 'yung ating mga law enforcement agencies and agents in a precarious or dangerous spot," ani Clavano.
"As any fugitive would do, hindi lang siya nagtatago sa isang lugar, and 'yung mga lugar na to ay remote areas, far-flung areas, where mayroon talaga siyang supporters," dagdag pa niya.
Bagama't bukas umano sa negosasyon ang DOJ, nilinaw ni Clavano na hindi papayag ang ahensya sa hindi makatwirang kondisyon.
Matatandaan na binasura ng korte ang petisyon na hinain ni Bantag para mapawalang-bisa ang murder charge na sinampa laban sa kanya dahil sa pagkamatay ng broadcaster na si Percival Mabasa.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment