Inamin ni Senador Ronald "Bato" dela Rosa na nagkaroon ng paglabag sa karapatang pantao sa kampanya kontra iligal na droga sa nagdaang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
"Hindi ko sinabi na walang nangyayaring human rights violation during war on drugs. Aminado tayo dyan na merong mga kaso na talagang naviolate yung right ng tao," pahayag ni dela Rosa sa isang forum sa Senado nitong Huwebes.
Si Dela Rosa ay dating pinuno ng Philippine National Police (PNP) at chief implementor ng madugo at brutal na kampanya kontra iligal na droga sa nagdaang administrasyong Duterte.
"Kasi kung wala, eh 'di dapat hindi na kakasuhan 'yung mga pulis na gumawa ng kalokohan. Kasi kung wala, eh 'di dapat walang pulis na na-convict o nakulong. So meron talaga, kaya dapat imbestigahan individually bawat kaso," saad pa ng senador.
Bagama't may pag-abuso sa karapatang pantao, iginiit ni Dela Rosa na hindi nag-utos si Duterte sa mga pulis na maging malupit o marahas sa pagsagawa ng kampanya kontra iligal an droga.
"Wala. Walang gagong leader na mag utos na gumawa kayo ng violation sa batas. Walang gagong leader na mag uutos ng ganon. At saka walang gagong pulis, unless of course may sariling motive 'yung pulis na nasa isip niya – personal niya yun," sabi pa ni dela Rosa.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment