Nagulat ang social media star na si Zeinab Harake nang sorpresahin ito ng CEO ng Luxe Slim Beauty and Wellness na si Anna Magkawas sa isang event na kung saan ay ini renew ng Luxe Slim si Zeinab bilang endorser ng bagong produktong Luxe Slim Caffee Black. Ikatlong taon na pala ito ni Zeinab sa Luxe Slim at ikinagulat nya sa pag aakalang aatend lang siya ng event. Hindi niya akalain na para pala sa kanyang ang event na iyon para kanyang contract signing.
Ang Caffe Black ay ang bagong produkto ng Luxe Slim na kung saan ay patok sa mga mahilig uminom ng black coffee. Eto ay mainam sa ating kalusugan dahil mayroon itong 10 ingredients na very healthy sa ating katawan, katulad ng Arabian Coffee, Garcinia Cambogia, L-Carnitine, Lavender Extract, Green Tea Extract, Chamomile Extract, Black Tea Extract, CoQ10 at Pearl Extract.
Sa mahigit tatlong taon daw na pagsasama nina Zeinab at Ms. Anna ay matinding friendship daw ang nadevelop sa kanilang dalawa. Hindi rin binitiwan ni Ms. Anna si Zeinab sa kabila ng mga pinagdaanan nito sa buhay.
Ngayon masayang masaya si Zeinab lalo pa't newly engaged siya sa kanyang fiance na si Bobby Ray Parks. Masayang ipinagmalaki ni Zeinab ang kanyang engagement sa ilang members ng media at on the spot ay inimbitahan niya si Ms. Anna na maging ninang sa kanyang kasal.
Dobleng saya ang naramdaman ni Zeinab ng gabing iyon dahil bukod sa renewal ng kanyang kontrata sa Luxe Slim ay ini launched din ang kanyang anak na si Zebbiana "Bia" bilang bagong endorser ng Luxe Kids. Bibong-bibo naman na nagpagilas si Bia sa media sa kanyang launching.
No comments:
Post a Comment