Aabutin pa ng taong 2044 o 20 taon simula ngayon para mabayaran ng Manila city government ang P17.8 billion na utang na iniwan ng dating administrasyon.
Ito ang ibinunyag ni Manila Mayor Honey Lacuna makaraang siya kasama si Vice Mayor Yul Servo ay nag-guest sa buwanang MACHRA Balitaan ng Manila City Hall Reporter's Association (MACHRA) na ginanap sa Harbor View Restaurant. Ito rin ang naging kasagutan ng alkalde nang siya ay hilingan ng media na i- expound ang nasabing utang, pati na ang estado nito at kung kailan ito inaasahang mabayaran ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Lacuna, simula ng siya ay manungkulan bilang punong ehekutibo ng Maynila noong kalagitnaan ng 2022, ang city government ay nakapagbayad na ng halagang P2.5 billion mula sa nasabing utang na P17.8 billion.
"'Yung laki ng utang ng Maynila, di naman kayang tustusan ng pondong meron lamang kami," sabi ng alkalde.
Dagdag pa ng lady mayor: "Nahihirapan kami kasi ang kailangan ng mga tao ay social services. Naaapektuhan naman ang kapasidad ng lungsod na tugunan ang mga pangangailangan ng lungsod at Manilenyo… there are more important needs that should be addressed immediately and that would benefit a larger portion of the population."
Binigyang diin ni Lacuna na ang kanyang administration ay mas naka-focused sa mga provision ng social services kung saan mas marami ang direktang makikinabang na residente, lalo na ang senior citizens na nasa 203,000 ang bilang, persons with disability (PWD) at solo parents na 50,000 ang kabuuang bilang, student beneficiaries mula Grade 12, Universidad de Manila at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na 20 ,000 Naman Ang bilang.
Ang sektor na ito, ayon kay Lacuna ay tinatanggap ng monthly financial assistance mula sa city government na maari sanang taasan ang halaga kung hindi sana nagbabayad ng obligation sa two bangko kung saan inutang ang P17.8 billion.
"Kung wala sana tayong obligasyong ganyang kalaki, mas marami sana tayong tulong na maibibigay sa mga Manileño, matataasan natin ang pambili ng gamot ng mga seniors man lang," ayon pa kay Lacuna.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment