Bongga talaga ang Luxe Beauty and Wellness Group dahil may bago na namang dagdag sa kanilang pamilya. Last August 2, 2024 ay ini-launched ang apat sa sikat na Bardagulan Tiktokers na sina Vrix Gallano, Christiian Martinez, Cholo Evans at Perlas.
Sila ang apat na may mataas na followers sa Tiktok. Sila rin ang pinakamalakas na Online Sellers sa Tiktok. Paniguradong malaking tulong ang apat na Tiktokers na ito para mas makilala pa ang nga produkto ng Luxe Slim at Luxe Skin.
Pinahanga talaga ng apat na ito, hindi lang si Ms. Anna Magkawas maging ang mga press na dumalo sa launching dahil part ng programa ang kunwariang pagbebenta ng apat ng produkto ng Luxe Skin at Luxe Slim. Na impress naman kami sa galing nilang mag live selling.
Natanong ko nga sa question and answer si Ms. Anna Magkawas kung bakit silang apat ang napiling bagong ambassadors ng Luxe Beauty and Wellness Group?
"I see potentials sa apat na ito. Bukod sa dami ng followers nila sa Tiktok ay mababait at magagaling ang mga batang ito. Why not giving them a chance to maximize their talents at mas makilala sila. Bagay silang apat sa Luxe Beauty and Wellness Group namin dahil siguradong mai-share nila sa kanilang nga followers ang ganda ng produkto ng Luxe Slim at Luxe Skin," pahayag ni Ms. Anna.
No comments:
Post a Comment