May magkamag-anak na opisyal sa Malakanyang ang umano'y nagbebenta ng posisyon sa judiciary.
Isa umano sa mga kliyente ng magkamag-anak na dikit kay Pangulong "Bongbong" Marcos, Jr. ay ang kamag-anak ng isang mataas na opisyal sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na nag-aaplay bilang Justice sa Court of Appeal (CA).
Ayon sa source, pera ng AFP ang ginamit na pambili makakuha lang ng appointment.
Dahil dito, maraming prosecutors, judges at justices ang disymayado sa garapalang ginagawa ng magkamag-anak na opisyal.
Umabot sa 58 pangalan ang nasa shortlist ng mga kandidato sa CA Justice. "Highest bidder" daw ang labanan. Mula P5 milyon hanggang P10 milyon daw ang bilihan ng puwesto. Pati ito sa Sandiganbayan.
Ang bilihan naman para maitalaga bilang MTC Judge ay P500,000 hanggang P1 milyon.
At para maging RTC Judge, ang bigayan ay P1 milyon pataas.
Kaya yung mga qualified pero walang pera 'di na makapwesto.
Yung ibang kandidato nagpapa-finance ng pambayad sa "lagay".
Ang pinakamasama rito, yung ibang judge, nagpapa-finance narin sa drug lords, smugglers o iba pang sindikato para lamang makalikom ng panglagay at makuha ang inaasam na judiciary position.
Ang kapalit, "siyempre proteksiyon sa illegal na operation ng sindikato," sabi ng source.
Ito rin ang dahilan kaya ang ibang judge ay napipilitan magbenta ng kaso para makakuha ng panlagay sa promotion.
First time silang makadanas ng Judiciary position-for-sale, na lantaran umanong inilalako ng magkamag-anak na opisyal sa Malakanyang.
May kakuntsaba ang magkamag-anak na opisyal sa JBC, sabi ng source.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment