Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang akusasyon ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na sinabi nila na papasabugin ang compound kung hindi isusuko ang kanilang lider na si Pastor Apollo Quiboloy. Mayroon kasing inilabas na ba… | By Headlines Ngayon on August 30, 2024 | Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang akusasyon ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na sinabi nila na papasabugin ang compound kung hindi isusuko ang kanilang lider na si Pastor Apollo Quiboloy. Mayroon kasing inilabas na balita ang DZAR 1026 SMNI Radio na pinipilit umano ng mga pulis sa ilang miyembro ng KOJC na kung hindi ilalabas si Pastor Quiboloy ng dalawang oras ay papasabugin nila ang compound. Ayon kay Police Regional Office 11 Spokesperson Police Major Catherine dela Rey na ang presensya ng mga pulis sa loob ng KOJC na pinangungunahan ni Police Brig Gen Nicolas Torre III ay upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan ng ginagawa nilang pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Quiboloy at apat pang kasamang akusado. Andoon ang mga pulis upang ipatupad ang batas at protektahan ang karapatan at kaligtasan ng bawat isa at hindi ang saktan ang mga tao na nandoon. Naroon ang mga pulis sa loob at labas ng compound upang masigurong mapigil ang posibleng paglalabas ng emosyon at bugso ng damdamin dahilan upang makagawa ng violent reaction ang mga miyembro ng KOJC. BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment