Ipinauubaya na ni Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Benhur Abalos ang desisyon sa cameraman kung irereklamo o sasampahan nito ng kaso ang alkaldeng nanakit sa kanya.
Ito'y matapos ang ulat na sinampal at binatukan umano ni suspended Urdaneta City, Pangasinan Mayor Julio Parayno ang cameraman ng Kapitolyo ng Pangasinan.
Base sa ulat ng pulisya, inagaw ni Parayno ang hawak na camera ng biktimang si Pangasinan Information and Media Relation Office Videographer Jairus Bien Sibayan at kinuha ang SD card nito.
Kumukuha kasi ng video si Sibayan bilang documentation sa pagtatalo nina Parayno at ng Executive Assistant ni Pangasinan Gov. Ramon Guico III na si Atty. Ronn Dale Beltran Castillo.
Dahil dito sinabi ni Abalos sa programang Bardagulan sa Radyo, na nasa biktima na ang desisyon kung maghahain siya ng reklamo.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment