Sinabi nitong Biyernes ni Senator Ronald "Bato" Dela Rosa na pakiramdam niya'y trinaidor siya sa posibilidad na ang International Criminal Court (ICC) ay papayagan makapasok sa Pilipinas.
Sa kanyang statement, binanggit ni Dela Rosa ang pangako sa kanya noon ni President "Bongbong" Marcos na hindi nito papayagan ang ICC makapasok sa bansa.
"Kung totoo yan na nagbago ang stand ng ating pangulo, I feel betrayed," sabi ng Senador. "Kung talagang nagbago siya yung stand niya then — you know masama ang loob natin, normal naman yan e, normal naman yan sasama ang loob mo."
Ang kanyang reaksiyon ay kasunod ng sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na hindi nila haharangin ang International police (Interpol) sa pagsilbi ng ICC arrest warrant kaugnay ng war on drugs.
Sinabi ni Dela Rosa na hindi siya susunod sa ICC-issued arrest warrant na isisilbi ng Interpol, sinabing: "Kung lalabas yung arrest warrant at ito'y ise-serve sa akin ng taga Interpol, I will not submit to their jurisdiction."
Pero sinabi niyang makikipag-cooperate siya sa ICC interview request pero hindi niya kikilalanin ang jurisdiction nito.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment