Tahasang sinabi ni Liza Soberano na bago matapos ang taon ay titiyakin niyang ibahagi sa kanyang mga tagahanga ang mga bagong proyektong gagawin niya after Hollywood debut in "Liza Frankenstein."
Ayon pa sa actress, magbabalik umano siya sa paggawa ng serye ngunit tikom pa ang bibig niya kung anong TV series ba ito or saang platform ipapalabas.
Excited din niyang ibinida na magkakaroon din siya ng reality show at pelikula.
Umani naman ng samu't-saring reaksyon ang kanyang pahayag na magbabalik-teleserye na siya.
Sey ng mga intrigera, naubos diumano ang savings ng aktres sa pagbabakasakali nito sa Hollywood kaya balik-Pinas ito. True ba yan?
Hindi ba puwedeng may offer siya kaya tinanggap niya dahil maganda ang project?
May mga nagtanggol naman sa aktres na nagsabing totoong may offers dito at posibleng ang seryeng gagawin niya ay kukunan sa Pinas.
Ito ang ilan sa kanilang mga reaksyon.
"I guess baka naubos na ang savings niya sa US so balik Pinas ulit to earn money. "
"I was right babalik nga siya dito. Pero at least she tried. Nakakaubos talaga ng savings ang Hollywood dream lalo na at wala namang kasiguraduhan doon. "
"May mga projects pa rin siya sa US. Preprod pa lang, finding investors so while that isn't shooting pa she is free to accept offers elsewhere"
"I watched the vid. There wasn't any indication na PH Tv babalikan niya but she said she has a tv series, reality show and a movie"
MARU BOK - SHOWBIZ NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment