Nagsampa sa Ombudsman ng kasong administratibo si dating Caloocan City Mayor Rey Malonzo laban sa dalawang barangay chairman dahil sa pagpasok nito sa isang casino sa Parañaque city.
Ang mga kinasuhang barangay chairperson ay sina Marlon Aquino ng Brgy. 2, at Noli Estolano ng Brgy. 3.
Ayon kay Malonzo, Hunyo 14, 2024, pumasok at naglaro sa Solaire Resort and Casino ang dalawa na mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng halal na opisyal at mga empleyado ng gobyerno, batay sa Department of Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular (MC) No. 2018-25; at Office of the President Memo Circular (OP) No. 06 (s. 2016), na ayon sa Sec. 2 of RA No. 6713 o"Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees."
Aniya, "Matapos dumalo sa isang birthday party, ang 2 kapitan ay nakita sa loob ng casino at nagpa-picture at ipinost sa Facebook social media account kungsaan ay naka-post din ang kanilang mga activities bilang mga barangay chairman."
Ayon pa sa Ombudsman complaint:"Sa mga pinost nilang larawan, makikita na nag-e-enjoy at pinagmamalaki ang tila marangyang pamumuhay na meron sila. May picture ang dalawa na nasa harap ng mga slot machine, at ang isang picture naman ay makikitang nakaupo sa isang poker table si Kap. Noli. Ito ay hindi magandang halimbawa sa para sa aming mga kababayan sa Caloocan. Paano nila maayos ang aming mga barangay sa lungsod kung ang simpleng pagsunod po sa mga kautusan ng gobyerno ay 'di nila isinasabuhay?"
BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment