Tukoy na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung sinu-sino ang mga taong nasa likod sa pagtakas ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa ambush interviews sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Marcos na nagkausap na sila ni Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla at sinabing patapos na ang kanilang malalim na imbestigasyon tungkol dito.
"Tutukuyin namin ang lahat ng mga sangkot dito at kami ay kikilos nang napakabilis," sabi ni Marcos nang tanungin kasunod ng pag-alis ni Guo.
Tumango rin ang pangulo nang matanong kung may kasabwat ba mula sa Bureau of Immigration (BI).
Malapit na aniya nilang matukoy kung sino pa ang mga dapat na managot at agad nila itong aaksyunan.
Ayon sa Pangulo, inaalam na lamang kung ilan ang involve at gaano kalalim ang sabwatan sa kasong ito.
"Iyon ang huling bahagi ng pagsisiyasat na ito – kung gaano kalayo, gaano kalalim ito. Isa lang bang tao ang involved o marami sila, o sindikato ito (Is there only one person involved or many, or is it a syndicate). Yan ang hinahanap namin. Walang mga sacred cows," ani ng Pangulo.
IKE ENRIQUE - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment