Nagbabala ngayon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa lahat ng celebrities, at mga influencer na nageendorso ng mga ipinagbabawal na illicit vape products.
Kasunod ito ng ikinasang raid ng BIR sa Philippine Vape Festival 2024 kung saan aabot sa 5,385 illicit vape products ang nasamsam.
Hinimok ni BIR Comm. Lumagui ang mga celebrity at influence na huwag makipag-ugnayan sa mga indibidwal o kompanyang ito, kasama na ang mga kasali sa pag-organisa at pagsasagawa ng Philippine Vape Festival 2024.
Sa pamamagitan kase aniya ng pagendorso sa mga produktong ito, tila tinutulungan ng mga ito na makalusot ang mga iligal na nagtitinda ng vape.
Sa operasyon ng BIR sa Philippine Vape Festival, nasa kabuuang 3 stalls at tatlong delivery vans ang nakitaan ng nga iligal na vape ng BIR.
Posibleng maharao ang mga ito sa mga kasong paglabag sa National Internal Revenue Code kabilang ang Section 144 – Tobacco Products, Heated Tobacco Products, and Vapor Products. , Section 106 – Value-Added Tax on Sale of Goods or Properties, Section 146 – Inspection 248B – Civil Penalties, Section 249B – Interest, at Section 263 – Unlawful Possession o Removal of Articles Subject to Excise Tax Without Payment.
"Itong Philippine Vape Festival 2024, pinagmamalaki pa nila na magkakaroon sila ng 'Compliance Summit'. Nung ni-raid na namin yung festival, makikita mo kagad walang internal revenue stamps yung vape. Para sa mga nagbebenta ng vape, wag niyong lokohin yung publiko na kunyari 'compliant' kayo. Kitang-kita, kahit internal revenue stamp hindi kayo sumusunod," Commissioner Lumagui.
ATTY. EDNA DEL MORAL
No comments:
Post a Comment