Nasa anim na suspek ang naaresto habang nasa 74 kababaihan ang nasagip sa isinagawang raid ng mga operatiba ng District Women and Children Concern Section (DWCCS) at District Special Operations Unit (DSOU) kahapon sa Quezon City.
Kabilang sa mga suspek ang tatlong babae, na nagsilbing Operation Manager; isang receptionist, at dalawang Guest Relations Officers.
Sa ulat ng mga tauhan ng DSOU sa pangunguna ni PMaj. Wilfredo Taran Jr , ay nakatanggap ng sila ng ulat mula sa isang concerned citizen sa pamamagitan ng isang tawag sa telepono hinggil sa talamak na mahalay na palabas sa isang NightClub na matatagpuan sa No. 11 Imperial St., E. Rodriguez, District 3, Quezon City.
Agad namang nagsagawa ng surveillance at monitoring ang mga tauhan ng DSOU.
Noong Agosto 1, 2024, ang mga operatiba ng DSOU ay nagtungo sa nightclub, na nagpanggap bilang mga customer upang i-verify ang mga naiulat na ilegal na aktibidad, at napagalamang positibo nga ito.
Kaya naman, ganap na 1:30 ng madaling araw kahapon, Agosto 3, 2024, isang joint operation ang isinagawa ng DSOU AT DWCCS sa pangunguna ni PMaj. Rene Balmaceda sa pakikipag-ugnayan sa Social Services Development Department (SSDD) na nagresulta sa pagkakaaresto sa anim na suspek at pagsagip sa mga 74 na babaeng biktima.
Sasampahan ng kasong RA 9208, o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 ang mga naarestong suspek sa ilalim ng RA 10364 habang ang mga babaeng biktima ang ituturn-over sa SSDD, Quezon City.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment