Aabot sa 20 buto't balat na mga aso ang na-rescue ng Animal Kingdom Foundation (AKF) sa isang isla sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Ang naturang lugar ay ginawang tapunan umano ng mga inabandonang alagang hayop.
Sa Facebook post ng AKF, ibinahagi nila na nakarating sila sa Dao Dao Island noong Huwebes, Agosto 1 matapos silang makipag-ugnayan sa local government unit (LGU) at kanilang local contacts sa Pagadian City.
Pinilit nilang kunin ang mga aso roon dahil sa kalagayan ng mga ito.
"It was heartbreaking to see so many dogs, almost all of them are SKIN & BONES and STARVING. Surprisingly, they are all tame and allowed our rescue team to interact," saad ng AKF.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng AKF at kanilang partner animal welfare group ang mga nasagip na aso.
Samantala, ayon sa kapitan ng barangay, naging tapunan na ang isla ng mga abandonadong aso matapos itong mawalan ng bantay.
Mariin namang iginiit ng AKF na iligal ang pag-abandona ng mga hayop at labag ito sa Animal Welfare Act.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment