Binuweltahan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop si Sen. Ronald Dela Rosa kaugnay ng patutsada nito sa mga kongresista na nag-iimbestiga sa madugong war on drugs ng administrasyong Duterte.
"If anyone is the real opportunist, it's Sen. Dela Rosa, who shamelessly used his ties with the former president to rise from PNP chief to senator, leading a bloody drug war that targeted the powerless while shielding the powerful," sabi ni Acop.
"Don't act like a K9 of the previous administration. Prioritize the country's interests and the general welfare of the people," dagdag pa ni Acop.
Nauna rito ay sinabi ni Dela Rosa na ang mga miyembro ng Kamara ay mga oportunista na pumuri sa war on drugs campaign ng Duterte administration at bumatikos dito pagpasok ng bagong administrasyon.
Sinabi ni Acop, isang dating heneral ng Philippine National Police, na si Dela Rosa ay isang "loyal lapdog" ni Duterte na ang pinagtutuunan ng pansin ay ang kanyang career sa halip na ang pagpapatupad ng hustisya.
"I ran and won as a congressman on my own merit, not by clinging to anyone's coattails. My job is to uncover the truth and ensure accountability, no matter who is implicated," sabi ni Acop.
Si Acop ay bahagi ng quad committee ng Kamara na nagsasagawa ng imbestigasyon sa koneksyon ng iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators, bentahan ng ilegal na droga at extrajudicial killings sa madugong war on drugs campaign ng Duterte administration.
Sa unang pagdinig ng quad committee, iniugnay ni dating Customs intelligence officer Jimmy Guban ang anak ni Duterte na si Davao City Rep. Paolo Duterte, manugang na si Atty. Manases "Mans" Carpio — mister ni Vice President Sara Duterte, at economic adviser nitong si Michael Yang sa smuggling ng P11 bilyong halaga ng shabu na itinago sa magnetic lifter at ipinasok sa bansa noong 2018.
Tinuligsa ni Acop si Dela Rosa dahil hindi umano niya ito sinilip sa imbestigasyon ng Senado.
"Sen. Dela Rosa's so-called investigations were a farce. Despite his position, he conveniently ignored the involvement of individuals close to the former president. Who was he protecting?" tanong ni Acop.
"Sen. Dela Rosa's loyalty lies not with the truth, but with protecting his own interests and those of his political benefactors," dagdag pa ng solon.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment