Starstudded ang katatapos na special screening ng MAMAY: A Journey To Greatness,The Marcos Mamay Story" na dinaluhan ng mga cast members na sina Ara Mina, Jeric Raval, TJ Marquez, Devon Seron, Ron Angeles, at marami pang iba.
Dumalo rin ang mga kaibigan, kasamahang mayor at iba pang pulitikong kaibigan ni Mayor Marcos Mamay para suportahan ang kanyang pelikula.
Halos mapuno ang sinehan sa dami ng mga nanuod ng special screening.
In fairness sa pelikulang ito, magaling ang pagkakagawa at maganda ang pagkakasulat ng iatorya. Panalo rin ang cinematigraphy ng pelikula dahil ipinakita ang ganda ng Nunungan Lanao del Norte. Maayos din ang pagkaka direk ni Direk Neal Buboy Tan ng pelikula.
Very inspiring ang buhay ni Mayor Marcos Mamay, dahil mura sa hirap noong pagkabata ay napagtagumpayan niya ang kanyang buhay dahil sa tiyaga at talino. Napakulay ng kanyang buhay pag-ibig na ipinakita rin sa pelikula.
Magagaling din ang gumanap na mga cast members sa kani-kanilang karakter na ginampanan lalo na ang karakter nina Ara Mina at Jeric Raval, na gumanap bilang Mayor Marcos Mamay.
Malapit nyo nang manuod sa mga sinehan ang pelikulang "MAMAY:
A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story," na siguradong aantig sa inyong mga puso. PANUORIN!
No comments:
Post a Comment