Plano ng pamahalaan na ibenta ang lupa na kinatitirikan ng amusement park na Star City sa Pasay City bilang bahagi ng privatization strategy ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr.
"It is currently being appraised with an appraisal value of P15 billion, basically ranging from that price," saad ni Chief Privatization Officer Maan Vanessa Doctor sa panayam ng Inquirer.
Sa isa pang panayam, sinabi ni Finance Undersecretary Maria Luwalhati Dorotan Tioseco na kabilang nga sa mga state-owned assets na nakatakdang ibenta ay ang Star City property na may lawak na 34,346 square o tatlong hektarya, at may zonal value na P14 bilyon as of September 2023.
Dagdag pa ni Tioseco, wala pang pinal na base price ang Privatization Council para sa bidding dahil hinihintay pa nito ang iba pang independed appraisal. Target naman na isagawa ang bidding sa October.
Ang lupang kinatitirikan ng nasabing amusement park ay kasalukuyang nasa ilalim ng lease agreement sa Philippine International Corp., nakatakdang mag-expire ang kasunduan sa 2026. Ang Star City ay pag-aari ng Star Parks Corp., subsidiary ng Elizalde Holding Corp.
Naghahanap ang Marcos administration ng alternatibong mapagkukunan ng mga revenue o kita makaraang sabihin ni Department of Finance Secretary Ralph Rector na wala umanong bagong tax sa natitirang mga taon ng kasalukuyang administrasyon at sa halip ay pagbubutihin ang revenue collection para mapaunlad ang fiscal health ng bansa. Dahil dito, plano ng pamahalaan na doblehin ang nontax revenue collection ngayong taon hanggang sa P400 billion.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment