Kasalukuyang nasa ibang bansa ngayon si Max Collins. Base sa mga posting niya sa kanyang social media, mukhang work at bakasyon na rin kung bakit nasa US siya.
At the same time, advance birthday treat na rin niya dahil sa kanyang kaarawan sa August 28.
Pero ang alam namin, isa si Max sa mga artista na nagta-try rin na makapasok sa Hollywood o international. Noong huli namin siyang makausap, may ilang audition at may agent na rin siya sa abroad.
Half-American at half-Pinay naman ang beauty ni Max. Bukod pa sa acting wise ay may ibubuga din sa pagpapakita ng kanyang alindog.
Sa isang banda, nakatutuwa rin ang naging closeness niya kay Marian Rivera simula nang magkasama sila sa 'My Guardian Alien.' Evident ito sa mga pagre-react at comment na lang nila sa bawat post nila sa kanilang Instagram.
Samantala, kapamilya na rin niya si Marian sa Bench. Bench/Active wear naman ang kay Yan. Nag-comment si Max ng mga fire emojis at kung magkakaroon muli ng Bench fashion show, aba, pareho na sila ni Marian na pwedeng-pwedeng rumampa sa mga underwear or active wear nito. Pareho pa naman silang super hot momma.
MARU BOK - SHOWBIZ NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment