Ang mga biktima umano ng human trafficking at hindi ang mga wanted ang dapat na ipinagtatanggol ni Vice President Sara Duterte.
Ginawa ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin ang pahayag matapos na kondenahin ni Duterte ang pagpasok ng mga pulis sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City kung saan pinaniniwalaan na nagtatago si Pastor Apollo Quiboloy na nahaharap sa mga kasong kriminal.
"As a mother, a woman, and a public servant, I cannot remain silent in the face of Vice President Sara Duterte's recent statement concerning the [KOJC] and the ongoing legal actions against its leaders," sabi ni Garin.
"While Vice President Duterte expresses concern over the police's implementation of lawful warrants, I find it troubling that her sympathies appear to lie more with a powerful figure wanted for serious crimes rather than with the vulnerable women and minors who have suffered at the hands of an accused predator," dagdag pa nito.
Si Quiboloy at mga kapwa akusado nito ay nahaharap sa kasong sexual abuse at child abuse case sa Davao Regional Trial Court (RTC) at qualified human trafficking case naman sa Pasig RTC.
"These are not trivial matters to be dismissed or overshadowed by political spin. The real issue here is justice for the victims—innocent individuals whose lives have been irrevocably harmed," sabi pa ng lady solon.
"It is essential that our leaders prioritize the welfare of the most vulnerable among us, not the defense of those with power and influence who have been accused of heinous crimes," dagdag pa nito.
Sinabi ni Garin na hindi rin maganda ang tangka ng Ikalawang Pangulo na alisin ang atensyon ng publiko mula sa isyu ng pagbibigay ng hustisya at pananagutan.
"Instead of addressing these serious concerns, Vice President Duterte's statement seems to shift the narrative away from the need for justice and accountability," sabi ni Garin na ang tinutukoy ay ang pagpapalabas ni Duterte ng pahayag kung saan ito humingi ng tawad sa KOJC dahil sa pagkumbinsi sa kanila na iboto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022 elections.
"The message from the Vice President may resonate with those who supported her in the 2022 elections, but it must also be recognized for what it is—a deflection from the grave issues at hand," sabi pa ni Garin.
Nanawagan din si Garin sa lahat ng Pilipino partikular sa mga ama at ina na pagnilayan ang implikasyon ng mga pahayag ng Bise Presidente at manindigan para sa pagbibigay ng hustisya sa mga biktima at pagbibigay ng proteksyon sa mga bata.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment