Pinaiimbestigahan ng Kamara sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno ang naging papel nina dating pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Sara Duterte at Sen. Ronald "Bato" dela Rosa sa pagtatago ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, ang dating pangulo ang tumatayo ngayong administrador ng KOJC compound kung saan nahuli si Quiboloy.
"His role within the KOJC compound places him at the center of this unfolding scandal, and the public deserves clear answers about his involvement," pahayag ni Chua.
Sinabi ni Chua na mayroon ding pahayag ni VP Sara na wala na sa KOJC compound sa Davao City si Quiboloy na maaari umanong sinadyang sabihin upang makapanlinlang.
"Her assurances that Quiboloy was no longer within the compound call into question her credibility and suggest an attempt to shield the preacher from justice. Such actions, if proven, would not only obstruct the course of justice but also erode public trust in our officials," punto pa ni Chua.
Iginiit ni Chua na dapat ay nakikipagtulungan ang lahat para mahuli ang mga wanted sa batas.
Si Quiboloy ay nahaharap sa kasong child abuse, sexual abuse, at qualified trafficking bukod pa sa mga kasong kinakaharap nito sa Estados Unidos.
"The father-and-daughter duo's direct connection to the KOJC compound makes it difficult to believe that they were unaware of Quiboloy's whereabouts. I call on the appropriate authorities to investigate these ties thoroughly," saad ng kongresista.
"If the Duterte family played any role in protecting or enabling Quiboloy during his time as a fugitive, they must be held accountable, just like any other citizen," pahayag ni Chua na iginiit na "NO one is above the law-not even those once held the highest positions of power in our country".
Samantala iminungkahi ni House Assistant Majority Leader Jil Bongalon na, dapat ding imbestigahan o kasuhan si Senator Ronald "Bato" dela Rosa ng obstruction of justice dahil sa pag-divert sa atensyon ng mga pulis sa paghahain ng warrant of arrest laban kay Quiboloy.
"If the former president – who used to be the chief implementor of the country's laws – can be charged for helping Quiboloy hide, then so should his daughter and the former PNP chief who is now a Senator," paliwanag pa ni Bongalon.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment