Balik na sa kulungan ang stakeholder ng Whirlwind Corporation na si Katherine Cassandra Li Ong, na pinaniniwalaang may kaugnayan sa operasyon ng iligal na POGO sa Porac, Pampanga.
Batay sa update na ibinigay ni HRep Medical Director Dr. Louie Bautista kay House Secretary General Reginald Velasco Ong ibinalik sa detention center ng Kamara de Representantes si Ong noong Martes matapos itong palabasin ng ospital.
Si Ong ay nakulong matapos na ma-cite in contempt sa pagdinig ng House quad committee.
Sa pagdinig ng komite noong Setyembre 4, dinala sa ospital si Ong dahil sa unstable blood pressure nito at mababang blood sugar.
"The HRep is happy to report that she has recovered with the treatment she received from the hospital and with all the diagnostic procedures she had, our in-house medical personnel can be fully prepared to handle any other medical condition she might have as she continues to appear in the QuadCom hearings," sabi ng advisory.
Sa Huwebes ay muling ipagpapatuloy ng quad committee ang imbestigasyon nito sa kaugnayan ng iligal na operasyon ng POGO sa iligal na bentahan ng ipinagbabawal na gamot at extrajudicial killings sa implementasyon ng war on drugs campaign ng Duterte administration.
Ang Whirlwind Corporation ang may-ari ng POGO hub sa Porac, Pampanga na ni-raid ng mga awtoridad noong Hulyo.
BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment