Bukod sa pondo noong 2022, pinuna rin ng Commission on Audit (COA) ang paggamit ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte sa P375 milyong confidential and intelligence fund (CIF) nito noong 2023.
Base ito sa COA report na inihayag sa inisyal na pagdinig nitong Miyerkoles, Setyembre 18, ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa mga isyu kaugnay ng badyet ng Office of the Vice President (OVP).
Sa pagdinig, kinumpirma ng COA ang kuwestiyonableng paggamit sa P375 milyon mula sa P500 milyong CIF ng OVP noong 2023.
Ayon kay 1-Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez, ang resulta ng pagsusuri ng COA sa CIF noong 2023 ay pareho ng nasilip nito sa paggamit ng P125 milyong CIF noong 2022 dahilan upang maglabas ng Audit Observation Memorandum (AOM) ang komisyon.
"The OVP's CIF (confidential and intelligence fund) for 2023 reflects the same deficiencies as those highlighted in the 2022 report, indicating a troubling lack of accountability and transparency in handling these funds," sabi ni Gutierrez.
"This is public money, not a personal slush fund. Repeated, templated reporting without detailed justification only raises suspicions of misuse," dagdag pa nito.
Ang pagpuna ng COA ay nagbibigay umano ng duda kung nagamit ng tama ang pondo at kung napunta ito sa dapat na pagkagastusan.
"This repeated pattern opens the door for further audit scrutiny, and it's only a matter of time before COA issues a formal Notice of Disallowance for the P375 million 2023 budget," sabi pa ng kongresista.
Ayon sa COA, nagamit ng Office of the Vice President (OVP) ang P375 milyon sa P500 milyong CIF nito noong 2023. Ang natirang P125 milyon para sa 2023 ay hindi na umano ginamit.
Nauna ng pinuna ng COA ang paggamit ng OVP sa P125 milyong confidential funds na naubos sa loob lamang ng 11 araw. Sa naturang halaga, kinuwestyon ng COA ang paggamit sa P73.28 milyon dahil sa paglabag umano sa regulasyong ipinatutupad para sa naturang pondo.
"Most telling is the notice of disallowance [ND]. We know na P73 million was flagged, and it was confirmed kanina na we have issues with the second batch, 'yung P500 million confidential funds. That is something we have to look into," giit ni Gutierrez.
"Apparently, out of the P500 million, if you recall, 'yung P125 million hindi na-claim for the last quarter, so about P375 million remains, and mayroon din palang [AOM] for that," dagdag pa nito.
Ang paglalabas ng COA ng AOM at ND ay nangangahulugan na hindi nakapagsumite ang isang ahensiya ng patunay na tama ang naging paggamit ng pondo.
Iniimbestigahan ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang paggamit ng pondo ng OVP at ng Department of Education sa ilalim ng pamumuno ni Duterte.
Samantala, nauna nang itinanggi ni Duterte ang alegasyon na mayroong maling paggamit ng pondo ang kanyang opisina at iginiit na wala itong ginagawang masama sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
"Simply because we have not done anything wrong. There is no misuse of funds, if there are audit findings, we shall gladly respond to them for the Commission on Audit, and if there are legitimate cases to be filed, then we shall gladly respond to them before the appropriate courts," sabi ni Duterte sa kanyang talumpati.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment