Masyado ako na hook sa istorya ng "40" na pinagbibidahan nina Cindy Miranda played the role of Megan at Kiko Estrada bilang si Arcbie. Marami ang pinaluha ng pelikulang ito sa katatapos na premiere night na ginanap sa SM The Block Cinema 3 na dinaluhan ng ilang Viva Artists at ilang mga kasamahan ni Cindy sa "Will to Win" na sina Anna Ramsay, Inday Fatima, Boobsie Wonderland at Christine Bermas.
In fairness kay Cindy, magaling siya dito, sa dami ng nagawang niyang pelikula this is her best for me. Nakipagsabayan siya ng galing sa leading man niyang si Kiko Estrada. Mahirap kasi ikuwento ang istorya ng pelikula dahil baka ma spoil ang twist ng pelikula.
Sa simula palang ng pelikula ay marami ka nang katanungan na sasagutin sa ending ng pelikula. Kaya pakaka abangan ang bawat eksena ng movie. Maganda ang pagkakasulat at pagkaka direk ni Direk Dado Lumibao. Malinis ang pagkakatahi-tahi ng istorya. Ipinakita sa pelikula ang ganda ng Baguio City. Ang galing ng mga shots ni direk ng bawat eksena. Lalo na ang kaabang-abang na kissing scenes nina Cindy at Kiko na madadama mo ang pagmamahalan ng dalawang taong nag iibigan.
Naku, panuorin ninyo ang pelikulang "40" at siguradong ma ho-hook rin kayo sa istorya. Madami kayo matutunan sa pelikula, lalo na kasabihang " You Only Live Once" Dapat din itong panuorin ng mga vloggers na mahilig gumawa content dahil siguradong makaka relate kayo sa movie. Palabas na simula ngayon ang "40" in cinemas nationwide
No comments:
Post a Comment