Pinayuhan ni dating presidential legal counsel Salvador Panelo si dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang bise presidente sa 2028, ka-tandem ng kanyang anak na si Sara Duterte.
Sa isang press conference sa Quezon City, ibinunyag ni Panelo na regular pa rin niyang nakakausap ang sating pangulo at inuudyukan nga niyang tumakbo ito bilang bise ni Sara.
"Mr. President, ang advice ko sa iyo tumakbo ka munang mayor. Kailangan mo ang Davao… Tumakbo kang mayor, then sa 2028 tumakbo kang vice president ng anak mo," ani Panelo.
"Pag Duterte-Duterte, sigurado 'yan, babalik sa inyo lahat ng bumaliktad sa inyo kasi napakalakas ninyo," aniya pa.
Panelo said Duterte did not give a direct response to his suggestion.
"Sabi niya (Duterte), 'Sige. Ituloy mo 'yang advocacy mo na Duterte-Duterte. Tingnan natin,'" wika ni Panelo .
"Open lang siya sa lahat. Hindi mo siya mako-corner. He will never tell you," aniya pa. "Magre-respond lang siya pag may clamor."
Matatandaan na bumaba sa puwesto si Duterte bilang Pangulo noong 2022at pinalitan ni Ferdinand Marcos Jr., ang running mate ng kanyang anak na si Sara Duterte.
Matatandaan na sinimulan ng pamilya Duterte na punahin ang administrasyong Marcos Jr. noong unang bahagi ng taon matapos ang pag-uusap ng gobyerno na posibleng payagan ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) na pumasok sa Pilipinas upang tingnan ang drug war ng nakalipas na administrasyon na ikinamatay ng libu-libong Pilipino.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment