Iimbestigahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang umano'y undocumented Chinese crew members ng MV Sangko Uno sa Navotas Port.
Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ng PCG na tumugon ito sa ulat tungkol sa umano'y undocumented Chinese crew members noong Linggo ng gabi.
"The Coast Guard response team confirmed that there are five Chinese nationals and one Filipino-Chinese national who are allegedly undocumented," anang PCG.
Ayon sa PCG, sinabi ng crew na ipapakita nila ang kanilang mga legal na dokumento at pasaporte sa Lunes dahil bukas lamang ang opisina ng kanilang kompanya sa oras ng opisina.
Nakatakdang tulungan ng Bureau of Immigration (BI) ang PCG sa pag-verify ng legal na kalagayan ng mga kinauukulang crew.
Para sa imbestigasyon, kinolekta ng PCG ang mga dokumento mula sa mga tripulante kabilang ang listahan ng mga tripulante, logbook ng barko, at iba pang magagamit na mga rekord.
"If found guilty of violating Philippine immigration laws, the concerned crew will undergo deportation process," saad ng PCG.
Bukod sa concerned crew, sinabi ng PCG na maaari ring maharap sa multa at parusa ang kanilang kompanya kapag napatunayang nagkasala ng mga paglabag sa maritime at immigration regulations.
Ipapaalam din sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa Chinese Embassy ang insidente para sa diplomatic communication tungkol sa concerned crew, sinabi ng PCG.
Mananatili ang MV Sangko Uno sa Navotas Port hanggang sa matapos ang imbestigasyon.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment