Matagal nang inaabangan ng Estados Unidos na mahuli si Pastor Apollo Quiboloy upang makapaghain ng extradition request dahil sa kinakaharap nitong kaso sa Amerika, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
"They have been waiting for his arrest, they have been waiting for this moment," wika ni Remulla sa ANC interview nitong Lunes. "And we expect the FBI and the US Department of Justice to press on with their request for extradition."
Aniya, dahil may extradition treaty ang Pilipinas at US, obligadong umaksiyon ang bansa kapag hiniling ito ng kaalyadong bansa.
"We have a treaty with the US. It's part of the law of the land. We will have to play it out well, we have to study properly so that we know what to do," ani Remulla.
Nanindigan naman si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na kailangang litisin muna sa Pilipinas si Quiboloy bago humarap sa korte sa US.
"For the moment hindi extradition ang tinitingnan natin, ang tinitignan natin ay 'yung mga kaso at mga complaint na pinila rito sa Pilipinas at 'yon muna ang kailangan niyang harapin," giit ni Marcos sa interview ng mga reporter sa Philippine Strategic Trade Management Summit sa Taguig City.
Tiniyak din ng Pangulo na hindi bibigyan ng special treatment si Quiboloy.
"We will treat him like any other arrested person and we'll respect his rights. And we will go through the process. If the process will be transparent, everyone who was involved will be accountable. And we will demonstrate, once again to the world, that our judicial system in the Philippines is active, is vibrant, and is working well,'' ani Marcos.
Sumuko si Quiboloy sa mga awtoridad noong Lunes nang gabi matapos masukol sa pinagtataguan niya sa loob ng compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.
Sabi ni Marcos, naaresto si Quiboloy at hindi sumuko tulad ng pinagkakalat ng mga abogado ng pastor.
"Hindi ganyan 'yung nangyari, ang nangyari napilitan siyang lumabas kasi malapit na ang pulis sa kanya," paglilinaw ng Pangulo.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment