Kalorky ang revelation ni Jessy Mendiola tungkol sa pinagdaanan ng relasyon nila ng asawang si Luis Manzano.
Sa pinakabagong vlog ni Jessy sa kanyang YouTube channel, naglaro sila ni Luis ng 'Truth or Dare.'
May isang tanong na sobrang tapang: "Describe the time you almost broke up with your spouse." Hindi nagpatumpik-tumpik si Jessy at nag-open up tungkol sa panahon kung kailan muntik na niyang iwan si Luis—at oo, umabot pa sa puntong nagpaalam na siya kay Vilma Santos, ang ina ni Luis.
Ayon kay Jessy, "Sinabi ko sa kanya, either piliin mo 'yung pamilya mo o piliin mo yung mga kaibigan mo na hindi okay para sa 'yo."
Dahil sa sitwasyon, napilitan si Jessy na magpaalam kay Vilma (Santos) o 'Momskie' . "Sabi ko, 'Hindi ko na po talaga kaya. Mahal ko po kayo pero hindi na po ako pinapakinggan ng asawa ko.'"
Pero mukhang hindi natapos doon ang lahat. Ilang araw lang ang lumipas at biglang nagising si Luis sa katotohanan. "Gradually, nakakalas siya sa mga taong 'yun," dagdag pa ni Jessy, na nagpapahiwatig na nagkaroon ng pagbabago at muling naayos ang kanilang relasyon.
Hindi rin pinalampas ni Jessy ang pagkakataon na ibahagi ang bigat ng kanyang naramdaman sa panahong iyon: "Talagang ang bigat sa pakiramdam. Yung feeling parang gusto mo na lang talagang iwan, kaso oo nga pala, kasal tayo. Hindi tayo basta-bastang pwedeng maghiwalay."
Ayon sa kanya, naniniwala siya na may dahilan ang Diyos kung bakit nangyari ito—para mas lalo pa nilang mapatatag ang kanilang pagsasama.
MARU BOK - SHOWBIZ NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment