Tuloy-tuloy ang pamamahagi nina Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at Ch. Bong Marzan ng ayuda o financial assistance sa mga tinaguriang miyembro ng marginalized sector.
Ipinamahagi ni Lacuna kasama sina Servo at Marzan ang halagang P3K sa bawat isang beneficiaries ng Ayuda sa mga Kapus ang Kita Program o AKAP ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.at House Speaker Martin Romualdez.
Nabatid kay Marzan na umabot ng 1,512 ang kabuuang bilang ng mga beneficiaries na hinati sa tatlong batch at pinagkalooban ng tulong pinansyal na ginanap sa Dapitan Sports Complex nitong Martes ng umaga.
Ayon pa kay Marzan ang mga beneficiaries ay pawang mga sidewalk vendors, tricycle drivers, online seller, construction workers at mga labandera.
Kabilang sa unang batch na tumanggap ng ayuda ay mula sa mga sumusunod na Bgy. 401 (100 beneficiaries), Bgy. 402 ( 100), Bgy. 472 (51), Bgy. 428 (50), Bgy. 435 at Bgy. 437 (54), Bgy. 451 at Bgy. 452 (50), Bgy 470 at Bgy. 488 (46), Bgy's 375, 416, 419, 420, 432, 433, 439, 519 (50).
Ang mga tumanggap Naman ng ayuda na kabilang sa 2nd batch ay ang mga sumusunod: Bgy. 473 (60), Bgy. 515 (70), Bgy. 481 at 489 (65), Bgy 504 at 505 (68), Bgy. 493 at 496 (72), Bgy 511 at 522 (75), Bgy's 484, 498, 523, 502, (53), Bgy. 542 at 476 (48).
Kabilang naman sa 3rd batch na tumanggap ng ayuda ay ang mga sumusunod na Bgy: Bgy. 566 (75), Bgy. 579 (75), Bgy 582 (70), Bgy. 570 (75), Bgy's 543, 546, 550, 563, 585 ( 50), Bgy.547 (50), Bgy. 549, 551 (66), Bgy. 575 (40).
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment