Kinumpirma ngayong araw, September 1, ng Department of Health (DOH) ang tatlong panibagong kaso ng Mpox, na nagdala sa kabuuang bilang ng aktibong kaso ng Pilipinas sa bilang na walo.
Ayon sa DOH, ang Case 15 ay kinilala bilang isang 29-anyos na lalaki mula NCR, na nagsimulang makaranas ng mga sintomas noong Agosto 21, kabilang ang mga pantal at namamagang kulani. Kasalukuyang nananatili umano ang nasabing kaso sa home isolation. Habang ang Case 16 naman ay isang 34 na taong gulang na lalaki mula rin sa NCR na nagkaroon ng mga rashes noong Agosto 27 at kasalukuyang nakalabas na sa ospital at naka-home isolation. Ang ikatlong kaso o ang Case 17, ay kinilala bilang isang 29-anyos na lalaki mula CALABARZON na nagpakita ng mga kapwa parehong sintomas noong Agosto 19 at nasa home isolation din.
Lahat ng panibagong kaso ay napaulat na walang travel history sa mga nakaraang linggo ngunit may mga kamakailang sexual contact, na isa sa mga pangunahing paraan kung paano kumakalat ang Mpox.
Sinasabing ang mas milder na variant ng Mpox na clade II ang patuloy pa ring nade-detect sa mga panibagong kaso.
Simula noong Hulyo 2022, nakapagtala na ang bansa ng kabuuang 17 kaso ng Mpox, kung saan siyam na rito ang gumaling na.
Nanawagan naman ang DOH sa publiko na iwasan ang intimate contact o pakikipatalik, lalo na kung sa multiple partners, upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Ugaliin din ayon sa Health Department na maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig na makatutulog upang makalayo sa sakit.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment