Pinanindigan na talaga ni Direk Roman Perez, Jr. ang kanyang pagiging 'cult director' dahil sa mga kakaibang pelikulang kanyang ginagawa. katulad na lamang ng kanyang kaabang-abang na pelikulang "Pasahero" na pinagbibidahan nina Bea Binene, Louise delos Reyes, Mark Anthony Fernandez, Katya Santos, Yumi Garcia, Keann Johnson, Andre Yllana, Dani Zee at Rafa Siguion-Reyna.
Eto ang pangalawang horror movie ni Direk Roman Perez, Jr. Istorya ito ng isang babaeng pasaherong pinagsamantalahan at hindi tinulungan ng kanyang mga kapwa pasahero.
Sa katatapos na media conference ng nasabing pelikula ay tinanong ng ioang members of the media si Direk Roman kung ano pagkakaiba ng horror film na ito sa ibang pinoy horror film
"Isa itong phychological thriller na kung saan ay tatakutin kayo hindi lang ng mga eksena maging ang istorya nito ay may kakaibang twist na aabangan," saad ni Direk Roman
Natanong naman si Louise deloa Reyes kung siya na ba ang susunod na horror queen dahil sa sunud-sunod na horror movie na kanyang ginagawa?
"Hindi naman po aiguro, baka nagkakataon lang dahil syempre hindi naman na po ako bumabata, hindi na bagay sa akin ang mga pa tweetums na role, like loveteam or mga romcom, why not explore to other genre na kung saan mas challenging gumawa ng mga ganitong mga horror films," pahayag ni Louise
Aminado si Louise na idol niya si Kris Aquino sa paggawa ng mga horror films dahil sa kakaibang sigaw nito kapag natatakot. Kung bibigyan daw siya ng pagkakataon na mag revive ng blockbuster horror film, ang pipiliin niya daw ay kahit anong horror film ni Kris Aquino.
Palabas na ngayong October 9, 2024 ang "Pasahero" in cienmas nationwide.
No comments:
Post a Comment