Umapela si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng senior citizens sa lungsod na i-surrender ang kanilang PayMaya cards na mapapaso na ngayon buwan at para mapalitan ng bagong senior citizen cards na walang expiration date.
Sinabi ni Lacuna na lahat ng PayMaya cards na dating ginagamit ng mga senior citizens para makuha ang kanilang monthly cash allowance, ay nakatakdang mapaso ngayong buwan ng September.
At dahil madalas na nirereklamo ng mga senior sa kanyang tanggapan at sa tanggapan ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) sa ilalim ni Elinor Jacinto ang mga nararanasan nilang hirap gamit ang PayMaya, gayundin ang hiling ng mga ito na ibalik na lang sa dating sistema ang paraan ng pagkuha nila ng kanilang monthly allowance mula sa mga barangay na mas madali, ay pinagbigyan sila ni Lacuna.
Ang payout ay nakatakdang ibigay ngayong buwan ng mga barangay ayon kay Lacuna at sinabi pa ng alkalde na ang mga natitirang senior citizens na mayroon pang PayMaya ay maaaring i-surrender ang nasabing cards upang mapalitan ng OSCA cards para magamit sa pagkuha nila ng kanilang cash allowances.
Ayon naman kay Jacinto, sa atas ng alkalde ang lahat ng mga seniors na bedridden o immobilized at di na makaalis ng bahay ay bibisitahin ng kanilang barangay upon request, para maisyuhan din sila ng senior citizen cards.
Ang isa pang option, ayon kay Jacinto, ay magtakda ng authorized na able-bodied na kaanak o kasama sa bahay para kumuha ng kanilang senior .
Ang authorized na kinatawan ng senior ay maaaring magpunta sa OSCA office sa City Hall o bisitahin ang "Kalinga sa Maynila" kung saan may OSCA booths para mag-asikaso sa kanila.
Nabatid na dahil sa kahilingan ng senior citizens, ang kanilang allowances ay ipapamahagi na lamang ng kanilang barangay at mananatili ito ng isang linggo para mabigyan ng sapat na panahon ang mga seniors na makuha ito.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment