Sa mediacon ng latest movie ni Louise delos Reyes sa Viva Films open at kampante na siyang pag-usapan na there was a time, noong kayakap pa niya ang depression, naisip niyang mag-suicide at wakasan ang kanyang buhay.
"To be honest, 'di ako ganu'n ka-vocal about it kasi sobrang taboo topic dito sa Pilipinas.
"There was a time in my life that I thought, kahit surrounded ako with friens… nangyari ito habang may trabaho ako, surrounded with friends at ngumingiti sa harap ng fans, nagkaroon ako ng inner struggle na I am not enough, I am not good enough, I will never be enough.
"And lahat ng iniisip ko nu'ng time na 'yun, how can I end this, because I was in so much pain. Na up to the point na 'yung sakit na 'yun, naging sobrang stagnant na 'yun na ang emotion ko.
"Hindi na ako makaramdam ng happiness. I don't feel fulfilled sa lahat ng mga ginagawa ko. Palagi kong iniisip paano kaya 'yung pinaka-worst na naisip ko noong time na 'yun, ano kaya ang naiisip ng mga tao na nagsu-suicide?
"Ano kaya 'yung thoughts nila before jumping, before cutting their wrist, their own neck?
"How can I handle it because I want to learn. I want to learn. I want to know that idea para lang matapos na."
Sa huli, nagpasalamat si Louise na naliwanagan din siya at hindi itinuloy ang balak na pagsu-suicide.
"I am so thankful that even though I have those thoughts, parang meron pa ring glimmerin' tunnel na, 'Huy, dito ka, kasi 'di lang ikaw 'yung nakakaramdam ng ganyan. At meron pang mga tao na nagmamahal sayo. who genuinely loves you anc care for you. If naggi-give up ka na sa sarili mo, please don't give up on you.
"It has been a long battle and until no. nandu'n pa rin siya. But I think nasa better headspace na ako ngayon, with all the help and all the knowledge around that particular topic. It's very uplifting also to know na may nake-care na hindi ka nila nakikilala."
Isa sa kilala ni Louise na nagke-care sa kanya ay ang boyfriend nito.
Sey niya, wala pa silang balak magpakasal.
Isa pang nagpapasaya kay Louise ay kinuha siya ng Viva Foods na Pastry Chef ng Papermoon PH . Ang Viva Films ang may francise sa bansa. Graduate ng Advanced Diploma in Pastry and Bakery Arts sa APCA Philippines o Academy of Pastry and Culinary Arts si Louise habang nasa showbis din siya.
MARU BOK - SHOWBIZ NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment