Nakakalulang nakakatuwa ang mga projects ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon para sa pagdiriwang ng kanilang 50th Anniversary.
Kamakailan ay ini-launch at ini- unveil ang kauna-unahang mural ng MMFF na makikita sa kahabaan Guadalupe Edsa, hosted by Bidaman at It's Showtime host na si Wize Estabillo, na kung saan ay makikita ang painting ng mga naglalakihang artista na naging bahagi ng MMFF noong nakaraang 50 taon. Sila ang mga artistang naging haligi ng pelikulang Pelikulang Pilipino, mga naging top grossers ang kanilang mga pelikula sa MMFF, mga awardees ng MMFF, mga hall of famers ng MMFF, naging best actor at best actress, katulad nina Vilma Santos, Nora Aunor, Maricel Soriano, Christopher de Leon, Dolphy, Vuce Ganda, Amy Austria, Cesar Montano, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Fernado Poe, Jr. at marami pang iba Sila ang tinaguriang " The Iconic Faces of MMFF Through The Years"
Nagkaroon ng brush stroke sa kahabaan ng Guadaluoe Edsa ang ilang kilalang personalidad sa Philippine Movie Industry sa pamumuno ng MMDA Chairman Romando Artes at ng National Artist na si Ricky Lee.
Ang MMFF ngayong taon ay may temang "Sine Sigla sa Singkwenta" na kung saan ay ipagdiriwang ang ika 50th Anniversary ng MMFF ng may sigla at pag-asang maibbabalik ang mga Pinoy na manuod sa mga sinehan. Kaya nga ang isa sa mga proyekto ng MMFF ngayong taon ay ang magpapalabas ng mga 50 na mga MMFF past movies na naging best films at naging top grossers noong nakaraang 50 years. Sa halagang 50 pesos ay mapapanuod ang mga ito sa ilang sinehan katulad ng Ayala Malls Cinemas, Fisher Box Office, Robinsons Movieworld, SM Cinemas, Vista Cinemas, Gateway Cineplex 18, Red Carpet at Cinemas. Mapapanuod ang mga ito simula September 25 - October 15, 2024.
Nais din ibahagi ng MMFF ang kanilang blessings sa loob ng 50 years, kaya magkakaroon din sila ng programang Tulong sa Manggagawa ng Pelikulang Pilipino na kung saan ay magbibigay sila ng Ayuda, Free Diagnostics and Dental, Employment Opportunities and Gov't Related Assistance na gaganapin ngayong Octobet 5 at 6, 2024 (Saturday at Sunday) sa PhilSports Arena (ULTRA) Pasig City.
Ilan lang ito sa mga aabangang programa ng MMFF bukod pa sa aabangang Parada ng Mga Stars, Awarding Ceremony at ang mga kaabang-abang na magagandang pelikulang kasali sa taunang MMFF ngayong Disyembre 2024.
No comments:
Post a Comment