Inanunsiyo ng cardiologist at health advocate na si Willie Ong na siya ay nakikipaglaban sa sakit na cancer.
Ginawa ni Ong na kilala bilang si "Doc Willie" ang anunsiyo sa kanyang mga social media platform nitong Sabado.
Sinabi niya na natagpuan ng mga doktor ang isang 16 x 13 x 12 centimeter sarcoma sa kanyang tiyan. Nakatago raw ito sa likod ng kanyang puso at sa harap ng kanyang gulugod.
"Ang bukol na ito, malaking malaki daw. Isa sa pinakamalaki na nakita nila," ani Ong sa kanyang YouTube channel.
Nairekord ang video mula sa kanyang silid sa ospital noong Agosto 29, ngunit ang paglabas nito ay naantala dahil sa seryoso at kumplikadong lagay ni doc willie sa chemotherapy.
Ayon sa mga clinic, ang sarcoma bilang pangkalahatang termino para sa isang malawak na grupo ng mga kanser na nagsisimula sa mga buto at sa malambot o nag-uugnay na mga tisyu.
Naalala ni Ong na noong Abril 2023, nakaramdam siya ng discomfort habang nagsasagawa ng mga medical mission dahil sa pagod, at hirap sa paghinga at paglunok. Tinanggihan niya ang mga ito bilang bahagi aniya ng pagtanda.
Noong Oktubre ng taong iyon, nagsimulang makaranas si Ong ng pananakit ng likod na lumaganap sa itaas na bahagi ng kanyang gulugod. Dahil dito, nagkaroon siya ng problema sa pagtulog nang nakadapa.
Noong Agosto, mas lumala raw ang pananakit ng kanyang likod.
"Worst pain of my life. 10 out of 10. Iiyak ka. Buong gabi walang tulog," pag-alala ni Ong.
Siya ay na-admit sa isang ospital noong buwan ding iyon at na-diagnose na may sarcoma, na inilarawan niya bilang "very rare, aggressive, very big."
Sa gitna ng kanyang hamon sa kalusugan, pinananatili ni Ong ang isang positibong pananaw.
"Malungkot ako? Hindi. Suwerte nga ako may asawa ako nagbabantay. Suwerte ako may [mga] anak ako… binabantayan ako. I'm so blessed," wika niya.
"Is this negative or positive? Negative, may bukol. Pero positive, naging close sa akin 'yung dalawang anak ko, na dati may barrier kami. Pamilya ko naging close,"dagdag ni Ong.
Matatandaan na malaki ang followers ni Ong sa social media na kung saan nagbibigay siya ng health and wellness tips. May 9.7 million YouTube subscribers at 17 million Facebook followers.
Noong 2022, tumakbo siyang bise presidente na runningmate ni dating Manila Mayor Isko Moreno sa ilalim ng Aksyon Demokratiko party.
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment