Pinangunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto ang libo-libong volunteers sa paglilinis ng coastal area ng Baseco Beach nitong weekend, kung saan 12 trak ng basura ang nakolekta.
Sa kanyang mensahe sa 39th International Coastal Cleaup sa Manila, muli ay nanawagan si Lacuna sa mga residente ng lungsod ng Maynila na laging mag practice proper garbage disposal at gayundin ang proper segregation ng basura dahil may mga recyclable materials na pwede pang magamit at pakinabangan.
Labis na ikinatuwa ni Lacuna na ang podium kung saan siya nagsalita ay yari sa recyclable materials na walang iba kundi plastic na nakolekta ng mga nakaraang panahon.
Pinasalamatan din ng lady mayor at Servo ang iba't-ibang organisasyon, miyembro ng Manila local government departments, bureaus at tanggapan sa kanilang paglahok sa taunang cleanup.
Binigyang papuri din nga dalawa ang patuloy na ginagawa ng department of public service sa ilalim ni Jonathan Garzo, Estero Rangers, Team Mandaragat Baseco Beach Warriors pati na ang mga streetsweepers sa pagpapanatili ng nasabing lugar na malinis at walang kalat.
Ibinahagi ni Lacuna na noong manalasa ang bagyong 'Carina' at lumikha ng matinding pagbaha, maliwanag na ang tone-toneladang basura basta na lang itinatapon ang siyang dahilan ng baradong daluyan ng tubig.
"Nung personal tayong nagtungo sa mga barangay sa kasagsagan ng baha ay literal na dagat ng basura ang aming nilusong at di kataka-taka dahil sa dami ng basura na nakapagbara sa lagusan ng tubig mula sa kanal, estero maging mismo sa dalampasigan," saad ni Lacuna.
Dinagdag pa ni Lacuna: "Patuloy tayong nananawagan upang gawin naman ang paghihiwalay ng mga nabbulok at di nabubulok at ang pagsasagawa ng recycling at aktibong paggamit ng mga MRF (material recovery facility) na umiikot sa mga barangay para kunin ang mga di nabubulok para gawing kapaki-pakinabang na ibinabalik din sa mga barangay."
Dumalo din sa nasabing cleanup Also sina Usec Mitch Cuna ng Department of Environment and Natural Resources at Chairwoman Diana Espinosa.
Ang tema ng coastal cleanup ay "Clean Seas for the Blue Economy." Ito ay ginawa sa pakikipagtulungan ng halos 100 organiisasyon at ng DENR.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment