Nanumpa na bilang kasapi ng Akyon Demokratiko ang mga napiling makakasama ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa darating na Mayoralty race na gaganapin sa susunod na taon.
Nabatid na ang tinaguriang "Yorme's Choice" at Team Aksyon Manila ay nanumpa sa partidong Aksyon Demokratiko (Aksyon) sa Sheraton Hotel Manila kung saan pinangunahan ito ni Aksyon President at dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na sinaksihan naman ni Aksyon Chairperson Ernest Ramel, Jr.
Ilan sa mga nanumpa ay sina dating 2nd District Congressman Carlo Lopez at 5th District Congressman Amado Bagatsing. Nanumpa din ang dating broadcaster at aktres na si Chi Atienza, anak ni dating Manila Mayor Lito Atienza at sinasabing tatakbo bilang vice-mayor sa nasabing lungsod.
Kabilang din sa nanumpa bilang mga kandidatong konsehal ang aktor na si Joaquin Domagoso, anak ni Isko Moreno, aktres/singer Mocha Uson at former PBA player Paul "Bong" Alvarez.
Labing-apat na incumbent councilors ang kasama ding nanumpa tulad ng aktor na si Lou Veloso, Joey Uy at Joel "JTV" Villanueva.
Inaasahan na magiging mainit ang labanan sa lungsod ng Maynila kung saan inaasahang magkakatapat ang dating magka-alyado na sina dating Mayor Isko Moreno at ang kasalukuyang alkalde na si Mayor Honey Lacuna-Pangan.
Narito ang kumpletong listahan ng mga nanumpa sa Aksyon Demokratiko nitong Linggo.
Sa Distrito 1 ay sina Coun. Dra. Irma Alfonso, Actor Joaquin Domagoso, Coun. Taga Jesus Fajardo, Bobby Hernane, Coun. Banzai Nieva at Ret. Col. Jhun Ibay.
Sa Distrito 2 naman ay sina dating Congressman Carlo Lopezna muling tatakbo sa nasabing posisyon at sa mga pagka-konsehal na sina Nico Evangelista, Rommel Miranda, Robbie Ong, Coun. Awi Sia, Bolong Sy, at dating Coun. Edward Tan.
Sa Distrito 3 naman sa pagka-Konsehal ay sina dating PBA player Bong "Mr. Excitement" Alvarez, Coun. Tol Zarcal, Chris Tagle, Actress Mocha Uson, at Johnny "Rollin J" dela Cruz.
Sa Distrito 4 ay ang tatakbong Congressman na si Coun. Joel "JTV" Villanueva habang sa pagka-Konsehal naman ay sina Francis "Dok" Almiron, Coun. DJ Bagatsing, Romeo Bagay, Eunice Castro, Coun. Atty. Lady Quintos at dating Coun. Rino Tolentino.
Nanumpa din ang magbabalik kongresista ng Distrito 5 na si dating Cong. Amado Bagatsing habang sa pagka-konsehal naman sina dating Coun. Che Borromeo, Coun. Bobby Espiritu, Coun. Atty. Jaybee Hizon, Tol Mac Ignacio, Zeb Laureano at Coun. Mon Yupangco.
Habang sa Distrito 6 naman ay sasabak sa pagka Congressman si Coun. Joey Uy at sa pagka-konsehal naman sina Voltaire CastaƱeda, Kid Marasigan, Doc Mercado, Coun. Elmer Joel Par, Christian Uy at Coun. Lou Veloso.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment