Pasok si Manila Mayor Honey Lacuna sa top five performing mayors ng National Capital Region (NCR).
Ang performance ng kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila ay binigyang pagkilala ng prestihiyosong Social Pulse Surve: Pulso ng Bayan para sa buwan ng Agosto 2024 at itinampok ang mga top performing mayors sa Metro Manila.
Bilang reaksyon, pinasalamatan ni Lacuna ang survey body at sinabing, ang pagkilala ay dahil sa suporta at dedikasyon ng kanyang mga kapwa opisyal at mga kawani ng City Hall.
Nangako din ang lady mayor na gagamitin ang pagkilala bilang inspirasyon upang patuloy na manilbihan sa mga Manileño sa abot ng kanyang makakaya sa susunod pang mga taon.
Ang survey ay base sa mga tumugon na mga adult respondents.
Ang nasabing survey ay may margin of error na ±3% at confidence level na 95%. Nagbibigay din ang survey ng maaasahan at makatotohanang impormasyon tungkol sa public approval ng mga alkalde sa NCR.
Nanguna sa listahan si Quezon City Mayor Joy Belmonte na may 91.8 approval rating. Dikit na pumangalawa at pumangatlo naman sina Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na may 90.6% ar Pasig City Mayor Vico Sotto na may 90.1 %. Nasa ika-apat at ikalimang puwesto naman sina Makati City Mayor Abby Binay na may mataas na 89.3%, at Manila City Mayor Honey Lacuna na may 88.7% approval rating.
Layunin ng Pulso ng Bayan survey ang sukatin ang sentimyenlto ng publiko base sa performance ng kanilang mga lokal na lider.
Ang resulta ay sumasalamin sa kakayahan ng alkalde na maibigay ang pangangailangan ng kanyang lungsod, maibigay ang pangunahing serbisyo at mamintina ang malakas na relasyon sa kanyang nasasakupan.
Binibigyang halaga ng survey ang patuloy na tiwala at pagiging kuntento ng mga residente ng NCR sa kanilang mga hinalal na punong ehekutibo ng kani-kanilang lungsod.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment