CITY OF SANTA ROSA - Namahagi ng mga Patient Transport Vehicles o mga ambulansya si Pang. Bong Bong Marcos sa lahat ng mga LGUs sa lalawigan ng Laguna. Kasama ng pangulo sa pagdalo sa Turn-over Activity ng mga nasabing sasakyan, ang kapatid nitong si Sen. Imee Marcos at ilang mga kinatawan mula sa PCSO.
Nagpasalamat si Mayor Arlene Arcillas ng lungsod na ito sa ipinagkaloob ng pangulo. Aniya, makakadagdag ang nasabing ambulansya upang matugunan ng pamahalaang lungsod ang agarang aksiyon sa pangangailangan ng mga naaksidente o di kaya mga may sakit, na kailangan madala agad sa mga pagamutan.
Isa sa pangunahing programa ni Mayor Arcillas ang epektibong serbisyo sa mga pangkalusugan at pangkaligtasang pangangailangan ng mga Rosenians. Kung kaya, ang nasabing ambulansya na ipinagkaloob ni PBBM ay makakatulong ng malaki upang mas mapangalagaan ang kapakanan ng bawat mamamayan.
Samantalang, isa si Mayor Ross Rizal ng lungsod ng Calamba na dumalo sa nasabing aktibidad upang tanggapin din ang ambulansya para naman sa kaniyang lungsod. Ayon sa mga alkalde, imbes na sila ang magbigay ng regalo para sa kaarawan ng pangulo, sila pa ang hinandugan ng mga regalo. (Ulat ni: LAARNI BARAIRO)
No comments:
Post a Comment