Pinangunahan nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang mainit na pagbati ng lahat ng Manileño sa kaarawan ng Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr. ngayon Feb. 13,2024. Ang Pangulo ay 67 taong gulang na.
Kaisa rin ang mga miyembro ng ruling party ng Maynila na Asenso Manileno, ay nagpahatid din si Lacuna ng pagbati ng patuloy na lakas, magandang kalusugan at wisdom sa Pangulo upang patuloy niyang pangunahan ang bansa hanggang sa katapusan ng kanyang termino.
Ayon pa sa alkalde ay kaisa siya ng mga nagdarasal para sa Pangulo upang matagumpay ang lahat ng kanyang programa na layuning mapabuti ang buhay ng mga Filipino. Binigyang diin ng lady mayor na ang tagumpay ng Pangulo ay nangangahulugan ng magandang at masaganang hinaharap para sa bansa.
"Ang tagumpay ng Pangulo ay tagumpay nating lahat kaya suportahan natin siya," saad ni Lacuna, kasabay ng kanyang panawagan sa bawat isa na iunat ang kanilang mga kamay bilang tanda ng kooperasyon at manatiling kaisa sa ilalim ng mga hakbangin ng Pangulong Marcos, Jr. sa pangunguna sa Pilipinas tungo sa mas progresibo estado.
"Isang maligaya, mapagpala at makabuluhang kaarawan po sa inyo, Pangulong Marcos, Jr. Dalangin po namin ang inyong patuloy na lakas ng pangangatawan upang patuloy ninyong magampanan ang inyong tungkulin sa bansa at sa milyon-milyong mga Pilipino na umaasa sa inyo," sabi ni Lacuna.
Sa kanyang bahagi, sinabi ni Servo na ang liderato ng Maynila ay kaisa ng Pangulo sa pagbibigay prayoridad sa mga less privileged . Hiling din ni Servo sa kaarawan ng Pangulo ang tagumpay sa pagtataguyod istabilidad at pagkakaisa sa bansa.
Kapwa din pinasalamatan nina Lacuna at Servo ang Pangulo dahil laging isinasama nito ang Maynila sampu ng mga residente nito sa national government's beneficiaries pagdating sa social programs.
Matatandaan na noong isang buwan ay sumapi na si Lacuna sa national party Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) sa pamumuno ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at sinabing ang kanyang pagsapi sa national party ay magpapalakas sa mga programa na inilatag ng kanyang administrasyon para sa mg residents ng Maynila.
Ayon kay Lacuna, sumapi siya sa Lakas-CMD "because its party principles and platform are perfectly aligned with mine and will ultimately be most gainful for all Manileños."
Sa pagsapi sa biggest political party sa Congress at sa bansa , Lacuna inaasahan ang kolektibong hakbang bilang suporta ng "Agenda for Prosperity of President Ferdinand R. Marcos, Jr." at ang bisyon ng Pangulo para sa 'Bagong Pilipinas'.
Binigyang tampok ni Romualdez ang istratehiyang kahalagahan ng mga bagong miyembro,kabilang na si Lacuna sa pagpapalakas ng suporta ng partido sa mga programa at polisiya ng Pangulo.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment