Ang matagal na pagkawala ng asawa sa bahay ay posibleng maging basehan upang ipawalang bisa ang kasal, ayon sa Supreme Court (SC).
Sa post sa X ng Philippine Supreme Court Public Information Office, maituturing ito na "psychological incapacity".
"Ang matagal ng pagkawala ng asawa sa kanilang pamamahay ay maaring ituring na katibayan ng psychological incapacity na basehan para ipawalang-bisa ang kasal."
Dagdag pa ng SC, obligasyon umano ng mag-asawa, na nakasaad sa Article 68 ng Family Code, na magpakita ng pagmamahalan, respeto at katapatan sa isa't isa.
Kabilang na rin dito ang pagbibigay ng tulong at suporta.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment