Napakainit na pagtanggap ang aking nasaksihan sa ginawang gift giving event ni Sam Verzosa sa Brgy. 587 Guadalcanal St. Sta. Mesa Manila na kung saan sinalubong siya ng napakaraming suporters niya sa nasabing barangay.
Namudmod ng isang track na bigas si Sam sa Sta. Mesa bilang pasasalamat niya sa patuloy na pagsuporta sa kanya ng kanyang kapwa ManileƱo.
Maalalang patok sa mga manuod kanyang public service program na "Dear SV" na mapapanuod tuwing Sabado ng Gabi sa GMA Network na kung saan ay hatid niya ang serbisyong publiko sa mga kababayan natin hindi lang sa mga taga Maynila maging sa iba't-ibang parte ng Pilipinas.
Nagkaroon ng pagkakataon ang ilang bloggers na matanong si Sam kung tatakbo ba itong Mayor ng Maynila dahil nga sa mga pag-iikot niya sa nasabing lungsod para magbigay ng tulomg at ayuda.
"Hindi ko pa masabi kung tatakbo ako dahil sa Oktubre 2024 pa naman ang filing ng candidacy, ang sa akin lang ay kung yun ang gusto ng aking mga kababayan sa Maynila, I'm not closing my door to run for Mayor," pahayag ni Sam
"Ang tanging layunin ko sa ngayon ay makapagbigay ng magandang serbisyo sa ating mga kababayan," dagdag pa ni Sam
Kung sakaling tatakbo ba siya ano ang plano niya sa Maynila
"Una, gusto kong palawigin ang edukasyon at kalusugan ng aking mga kababayan. Magbigay ng libreng serbisyong pagkalusugan sa kanila. Eto nga at makikitang nagpagawa ako ng mobile clinic para maghatid ng libreng check-up at gamot sa mga tao na sana ay gayahin din ng ibang lalawigan na magkaroon sila ng mobile clinic para sa libreng serbisyo ng kanilang kababayan," sabi pa ni Sam.
Nag trending din sa social media ang pagbibigay ni Sam sa kanyang ayuda ng mga spam at delimondo imbes na sardibas at noodles na karaniwang binibigay na ayuda. Natanong namin si Sam kung bakit ganun kamamahal ang kanyang binibigay na ayuda
"Yan yung mga gusto kong matikman noong mahirap pa kami, ganyan ang ibinibigay ko dahil gusto ko rin matikman yan ng mga kababayan natin na hindi nakakatikim ng spam at delinondo dahil wala silang pambili," naawang pahayag ni Sam
Dahil nga kaarawan ni Sam noong September 12 ay mas makikita pa daw siya sa iba't ibang lugar para mamudmod pa ng bigas bilang regalo at pasasalamat niya sa kanyang mga supporters. Abangan nalang natin kung tatakbo nga talaga si Sam ngayong local election. Panuorin din ang kanyang public service tv program na Dear SV tuwing Sabado ng gabi sa GMA Network.
No comments:
Post a Comment