Sinorpresa ni Rhian Ramos ang kanyang dyowang si Sam Verzosa sa Handog Pasasalamat event ng programang Dear SV ng public servant at TV host na ginanap sa dating MLQU sa Maynila.
Ayon sa Kapuso actress, suportado raw niya ang kanyang boyfriend sa humanitarian at outreach program nito kahit abala rin sila sa kanilang mga trabaho.
Kung may bagay raw silang pinagkakasunduan, ito raw ay ang pagiging committed nila sa kanilang mga adbokasya kasama na ang pagtulong sa kanilang chosen charities.
"Actually, I've always been passionate about public service, so if this is Sam's way of helping more people, I'm backing him up 100 percent and I just want him to reach his full potential at iyong purpose niya sa buhay," aniya.
Ani Rhian, going strong daw ang relationship nila ni Sam kung saan nag-celebrate lang sila ng kanilang ikatlong taong anibersaryo noong Hulyo 31.
Dagdag pa niya, malaking bagay raw ang pagiging open at supportive nila sa isa't-isa kaya lalong yumayabong ang kanilang pagsasama.
Hirit pa niya, marami rin daw silang natututunan sa isa't-isa na maituturing niyang dahilan kung bakit nagtatagal ang relasyon nila kumpara sa ibang showbiz couple.
"Ang dami kong natutunan talaga not just about myself, about Sam, about being a good partner.What that really means.What healthy communication is, healthy arguing.We try to be patient with each other as much as possible.We support each other no matter what.We try to bring out the best in each other," pahayag niya.
" It's been three years of learning and growth.Kung dati, hindi ko maramdaman na adult na ako, dahil kay Sam feeling ko I'm adult now," dagdag niya.
Sa mga espekulasyon namang tatakbo umanong alkalde ng Manila ang congressman at Tutok To Win party list representative, full support daw ang ibinibigay niya rito kung ito ang itinadhana sa nobyo.
"Kung iyon ang destiny niyang talaga, support naman ako doon, eh.I have to be honest never ko iyang naisip the whole time I was growing up.Never ko naisip na ito ay mangyayari sa buhay.Hindi ko talaga siya naging dream pero kung doon niya mafu-fulfill iyong purpose niya then support ako roon," pagtatapos niya.
Sa naturang event ay tinulungan din ni Rhian ang boyfriend na mamudmod ng pangkabuhayan showcase na binubuo ng 100 food carts.
MARU BOK - SHOWBIZ NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment