Naku, ang bongga talaga ni Rufa Mae Quinto sa kanyang role bilang hurado sa 'KalokaLike' segment ng 'It's Showtime'!
Talagang patok ang kanyang charm at humor, kaya hindi nakapagtataka na love na love siya ng Madlang People.
Sa X (na dating Twitter), nagpahayag ng pasasalamat si Rufa Mae sa mga sumusuporta sa kanya bilang judge.
Sey niya, "Madlang people what's up must come down to watch me as hurado for kalookalike. I pray for everyone's safety and happiness. Salamat sa inyong pag supports to me by watching and laughing with me. Mahal ko kayo."
Marami nga ang nag-reply sa kanyang tweet, at ang daming natuwa dahil naririnig daw nila ang iconic na boses ni Rufa Mae kahit sa text form! Kabog talaga, di ba?
aano siya inspired maghatid ng good vibes sa 'It's Showtime': "Araw-araw I wake up, I pray, shower, prepare my daughter to school, we eat breakfast and I leave for @itsShowtimeNa para sa #kalookalike. Masaya ako nakangiti kasi I can give happiness to everyone daily kahit sandali. Yung makapag Go go go, todo na to! No no no, yes!"
Dagdag pa niya, "Gusto ko mamaya maşaya lahat para todo na to!" Talaga namang kabog!
Dahil dito, marami ang humihiling na maging regular na si Rufa Mae sa 'It's Showtime'.
Sino ba naman ang hindi mae-entertain sa kanyang classic kuwelang banters na walang kupas? Ang saya-saya niyang panoorin, kaya no wonder people want more!
Swak nga raw siya sa noontime show ni Vice Ganda, ha!
Hindi na rin kataka-taka kung bakit hanggang ngayon, patok pa rin ang humor ni Rufa Mae sa publiko.
Siguro dahil genuine talaga siya sa kanyang trabaho — her love for what she does shines through and spreads happiness wherever she goes. Talagang walang kupas si Rufa Mae!
MARU BOK - SHOWBIZ NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment