Pakinggan natin sina Raco, Monica at Ansis ngayong Sabado, Enero 24!
The most interesting news selected specially for you!
Kumusta?
Minsan, ang hirap hanapin ng boses natin sa gitna ng ingay ng politika. Pero may mga taong kayang gawing simple, totoo, at diretso ang usapan.
Sa launch ng ating “Mabuti Pa” campaign ngayong Sabado, Enero 24, hindi lang kami ang magsasalita! Pakinggan natin ang mga boses na humihimay sa usaping good governance sa paraang hindi boring:
Ansis Sy
Raco Ruiz
Monica Cruz (SPIT Manila)
Sila ang magpapatunay na ang pagtutol sa korupsiyon at pagsuporta sa mabuting pamamahala ay hindi kailangang maging nosebleed. Imo-moderate sila ni Rappler multimedia reporter Bea Cupin, kaya asahan ang isang hapon na puno ng insights, tawa, at pag-asa.
Kasabay din nating ilulunsad ang Rappler at Linya-Linya limited edition “Mabuti Pa” t-shirts, na bahagi ng mas malawak na kampanya para sa mabuting pamamahala sa Pilipinas, hanggang sa 2028 elections. Mabibili lamang ang shirt sa venue.
No comments:
Post a Comment