Pagbati! Isang bagong taon ang sumasalubong sa atin, ngunit may pagbabago ba sa ating bansa? Ano na ang magagawa natin bilang mamamayan? Pag-usapan natin ‘yan. Sa Enero 24, may bagong kampanyang ilulunsad ang Rappler at Linya-Linya. Inaanyayahan namin kayo sa “MABUTI PA: Pag-usapan Natin ang Good Governance,” isang discussion tungkol sa pamamahala, adbokasiya, at pakikilahok sa lipunan. Pormal na ilulunsad ng Rappler at Linya-Linya ang limited edition “Mabuti Pa” T-shirt, na bahagi ng mas malawak na kampanya para sa mabuting pamamahala at mabuting pamumuno sa Pilipinas, na aabot hanggang sa eleksiyon sa 2028. Mabibili ang shirt sa venue. Kasali ang ilang content creator at komedyante na ginagamit ang kanilang plataporma para maging approachable at relatable ang usaping good governance at pagtutol sa korupsiyon: - Ansis Sy
- Raco Ruiz
- Monica Cruz ng SPIT Manila
Moderator: Bea Cupin, Rappler multimedia reporter Mga detalye: 📅 January 24, 2026, Saturday 🕒 2 pm - Registration, coffee bar open 3 pm - 5:30 pm - Program with Q&A 📍 Linya-Linya HQ, 5F Magnitude Bldg., Libis, Quezon City 🎟️ Tickets: P499 (May kasamang Linya-Linya Voucher!) ☕🍕 May kape at pagkain sa venue! Makakabili ng tickets dito. Mag-imbita ng kaibigan at ka-ibigan! Limitado ang slots kaya mag-register na. Nagsisimula ang mabuting pamamahala sa mabuting pag-uusap. Mabuti pa…magkita tayo sa Enero 24! Courage on, The Rappler team |
No comments:
Post a Comment